Saturday, April 23, 2011

Bakit tinawag na "Alang Kasambut"



Sa Tagalog and ibig sabihin ng salitang "Alang Kasambut" ay Walang Talo.

Meron ba namang raffle na walang talo? Eh kahit sa Lotto o Sweepstakes kapag tumaya ka na, hindi na babalik ang perang itinaya mo.

Kasi po ito ay isang Savings Program at ang lahat ng interest ng lahat ng kasali ay pinagsama-sama at siyang papremyo kada buwan. Ginawang exciting ang nakasanayan na nating pag-iimpok.

Halimbawa, kung isasali natin ang halagang P100.00 bawat araw, katumbas ito ng P3,000.00 sa isang buwan at P36,500.00 sa isang taon.

Kung papalarin ka sa raffle ay higit pa sa simpleng Savings interest ang iyong matatanggap. Sigurado ito dahil, ang interest ng lahat ng kasali ay mapupunta sa iyo. Sa ordinaryong savings, and sarili mo lang interest ang iyong matatanggap.

Kung ayaw mo ng sumali at umabot ng isang taon ang araw-araw na hulog mo ng P100.00, eh di suguradong panalo ka ng P36,500.00! Kung 6 months lang, P18,250.00 at kahit isang buwan P3,000.00 pa rin.

Pwede! Walang Talo! Alang Kasambut!



No comments:

Post a Comment